Martes, Enero 17, 2012

San Sebastian-Sundalo at Martir ng Kristiyanismo

Mga Tala Ukol sa Kanyang Buhay at Panahon


"San Sebastian" obra ni Geritt Van Honthorst. 1623



San Sebastian


Kristiyanong martir na sinasabing nabuhay  noong ikatlong siglo  (ca. 300 A.D). Ipinanganak  sa Gallia Narbonesis (ngayon ay Narbonne , France) sakop ng Imperiong Romano, si San Sebastian ay lumaki at nag aral sa Milan, Italia at sa kanyang pagbibinata  ay naatasan  bilang Kapitan sa Guardia Pretoriana ng Imperio.




Ang imperio ng Roma

Ang Imperiong Romano sa panahon ni San  Sebastian.Sakop nito ang kanluran Europa. Ang mga bansang tinatawag ngayong na Italia, Grecia, Francia (Gallia), Asia Minor. Kasama din ang kanyang mga kolonia na Britania, Espanya at ilang lugar sa hilagang Africa, Gitnang Silangan kasama ang Judea at Palestina (Israel)









Ukit sa marmol -imahe ng Pretorian Guards
Guardia Pretoriana (Pretorian Guards) - hukbo sa sandatahan ng Imperiong Romano na nagsisilbing taga pangalaga ng Emperador o "bodyguard unit ". Sa panahon ngayon maihahalintulad sila sa PSG,  ang Presidential Security Group ng Presidente ng Pilipinas. Si San Sebastian ay isang Centurion sa hukbong pumoprotekta sa Emperador ng Roma .















Centurion
Centurion- May katumbas na rangong Kapitan. Sa "Roman Infantry" ang isang centurion ay may 83 hanggang 100 sundalo nasa ilalim ng kanyang "command" at pangangasiwa. Ang tropang ito ay tinatawag sa wikang Latin na "Centuria". Karamihan naman ng mga Centurion ay galing sa payak na pamilya ng Roma at karatig pook ng Imperio.

Ang anim na Centuria  ay tinatawag na "Cohorts". At ang mahigit sampung Cohorts ay tinatawag naman na "Legion". Marahil ang Legio XIII (13th Legion) ni Julius Cesar ang pinaka kilalang Legion Romano sa kasaysayan.





Icon ni Jesus. Unang siglo

Ang Kristiyanismo sa Unang Siglo

Sa pamamagitan ng mga Apostoles at lalung lalo na si San Pablo, ang tinawag na Apostol ng mga Hentil,  lumaganap ang Ebanghelyo ni Jesu Kristo sa imperio ng Roma ilan taon lamang matapos niya itong maihayag sa kanyang bayang Israel . Subalit gaya na rin ng babala ni Kristo naging masalimuot ang pag uumpisa ng Kristiyanismo. Dumaan ang mga sinaunang Kristiyano sa matitinding pagsubok gaya ng pag uusig at pag lilipol.


Emperador Nero
Emperador Nero (Naging Emperador  54-68 A.D)
Nag umpisa ang sistermatikong pag uusig ng mga Kristyano sa Roma noong panahon ni Emperador Nero. Sinisi ng Emperador ang malaking sunog sa Roma noong July 64 A.D sa mga taga sunod ng sinasabing "isang taga Galilea na tinatawag na Jesu Cristo". Agad agad nilipol ang kanyang mga taga sunod at hinatulan ng mga brutal na paraan ng kamatayan.











Nero tumutugtog ng Harpa habang nasusunog ang Roma

Sa pag kasunog ng Roma, isang usap usapan ang umusbong na diumano'y pinanood lamang ni Nero na nasusunog ang kanyang bayan habang tinutgtog ang kanyang harpa. Nakahanap din siya ng kombinyenteng maiitutrong may pakana ng sunog; ang mga Kristiyano.

Paglilipol sa mga Kristyano

Inusig at pinagpapatay ang mga Kristiyano sa ibat- ibang uri ng pamamaraan. Isang sa mga naging unang martir ng pananampalataya ay walang iba kundi sina San Pedro, ang Apostol na naatasan ni Kristo mamuno ng kanyang kawan at si San Pablo.

Marami klase ng papaparusa at pagbitay ang ginawa ng mga Romano sa mga Kristiyano, isa na dito ang pagpapain sa mababangis na hayop sa gitna ng arena.

Si San Pedro ay pinako sa krus ng pabaligtad sa Circus Maximus

Dahil si San Pablo ay isang "Roman Citizen" binitay sya sa mabilis na pamamaraan, ang pag pugot ng ulo
                      

                                 
                                                                         
Christian Virgins Expose to the Populace obra ni F.R. Hidalgo 1884

Ang mga kababaihang Kristiyano naman ay pinahiya sa gitna ng mga hayok na kalalakihan, ang iba ay ginahasa at inabuso bago  pinatay, gaya ng makikita sa obrang ito na ginuhit ng batikang pintor Pilipino na si Felix Resurrecion Hidalgo noong 1884.

Nero sa Coloseo
Naging uri pa ng libangan o "entertainmanent" sa mga Romano ang pagbitay sa mga kristiyano. Katunayan si Emperador Nero pa ang nagunguna manonood nito.




Nero sa gitna ng arena .Kadalasan pa ay bumababa ang nasabing Emperador sa arena upang makita personal ang naganap na pagbitay.

Noong Marso 68 AD nagkaroon ng pag aalsa sa Imperio laban sa pamumuno ng Emperador Nero, pinangunahan ito ng ilang elemento ng "Guardia Pretoriana". Isa isa nagapi ang mga loyalista ni Nero. Nagtago ang Emperador sa Roma at noong 6 Junio 68 AD, dahil talo at wala ng kapanalig, nag desisyon si Nero na magpakamatay. Hiniling nya sa kanyang sekretarya na siya ay utasin. Ayon sa tala ang huling salitang namutawi kay Nero ay; "Qualis Artifex Perreo" kapag isinalin sa tagalog ay "isang magaling na artist din ang mamamatay sa akin"

 Pansamantalang natigil ang pag uusig sa mga kristiyano pagkamatay ni Nero, ngunit hindi nangahulugang sila ay naging ligtas. Napilitan matago at maglihim ang mga kristyano lalo na sa kanilang pagsamba at pananampalataya kay Kristo. Ang mga sumunod na  Emperador ay naging mapagmatyag sa grupo ng mga taong ito na binansagan nilang "may kakaibang uri ng relihiyon na kumakain ng katawan at umiinom ng dugo ng kanilang Panginoon".

Sa ganitong uri ng panahon at sirkumstansya isinilang si San Sebastian. Bagamat mapanganib maging kristyano, pinili parin ng kanyang magulang na akapin nila ang pananampalataya kay Kristo.

Si San Sebastian ay naging centurion sa hukbong Romano. Pinadala sa Roma upang pangasiwaan ang pagbabantay at pag iingat sa Emperador ng Roma na si Diocleciano

Emperador Diocleciano
 Diocleciano- Naging Emperador ng Roma (West) sa panahong  284-305 AD. Bagamat kinilala ng Kasaysayan ang ilan niyang mahusay na reporma sa Imperiong Romano, kilala din siya bilang Emperador na nag utos sa muling pag usig at pag lipol ng mga Kristiyano, (marahil isa na sa pinaka malupit na pag uusig sa kawan ni Kristo sa kasaysayan ng daigdig). Nag umpisa ito ng si Emperador Diocleciano ay kumunsulta sa "Oracle ni Apollo" isang uri ng hula na tinataguyod ng mga taga sunod ni Apollo (Diyos diyosan ng mga Romano). Sinabi sa "Oracle"  na hindi makapag bigay ng payo at tulong si Apollo sa Imperio dahil sa mga maling pananampalatayang kumakalat. Agad bibigyan pakahulugan na ang tinutukoy ay ang mga Kristiyano, kaya noong Pebrero 303 AD, muling inumpisahan ng Imperio ang pag lupil sa mga Kristiyano.

Lingid sa kaalaman ni Emperador Diocleciano, isa sa matapat niyang taga bantay at miyembro ng kanyang sandatahan na naka himpil pa man din sa ilalaim ng kanyang bubong ay isang Kristiano...si Sebastian na centurion. Lingid din sa kaalaman ng Emperador palihim na pumupuslit ang nasabing Centurion upang damayan ang kapwa nya Kristiyanong nakapiit at nag hihintay ng kamatayan. I sa na dito ang magkapatid na "Marco at Marcelliano" mula sa isang kilalalang pamilya sa Roma. Ikinulong sa kadahilanan ayaw ng magbigay pugay sa Diyos Diyosan ng mga Romano. Binisita sila ng kanilang magulang upang kumbinsihin na itakwil na ang kanilang pagka Kristiyano, subalit ng inabutan ni Sebastian ang magulang at mga anak sa piitan na nag uusap, pinalakas pa pa nya ang pananampalataya ng magkapatid, sa huli ay nahikayat din ni Sebastian ang mga magulang nila "Marco at Marcelliano' na maging Kristiyano.

Nakapagpagaling din si Sebastian ng isang pipi nagmula sa marangal na pamilyang Romano at totoo nga na karamihan ng kanyang nahikayat ay mula sa alta sosciedad ng Imperio. Kaya ikanagulat at ikainagalit ito ng Emperador. Nang mabunyag ang tunay na pagkatao ni San Sebastian, bagamat masama ang loob, dahil na rin sa pag hannga sa serbisyo sa kanya ng centuriong kristiano, iniutos ni Diocleciano ang kamatayan ni San Sebastian sa pamamagitan ng pamamana.

San Sebastian obra ni Hans Holbein 1516


Halos mapuno ng pana ang katawan ni San Sebastian nang isakatuparan ang utos ng Emperador, subalit himala siyang nabuhay . Iniwan sa isang burol sa pag aakalang patay na. Natagpuan ng isang balo nangangalang Irenea (Santa Irenea) ang sugatan at agaw buhay na si San Sebastian. Agad inuwi at ginamot ang mga natamong sugat. Ayon sa tala habang si San Sebastian ay nagpapagaling ng mga sugat, isang batang bulag ang lumapit sa kanya. Tinanong niya ang bata 'Ibig mo bang masilayan and tunay na Diyos?" Sumagot ang bata ng 'opo' , pinag antanda ng centurion ang bata at agad agad  ito ay nabiyayaan ng paningin. Sa himalang ito lalo pang dumami ang sumampalataya kay Kristo.


Ang Pagamot ni Santa Irenea kay San Sebastian obra ni Nicholas Regnier ca 1620

Ng maigi na ang sugat ng centurion, nagkataon naman dumaan sa lugar ni Santa Irenea ang isang tropa ng sundalong Romano kasama ang Emperador. Lumabas si Sebastian upang ipakita sa Emperador  na siya ay buhay pa. Marami sa tropa ang namangha sa himalang ito subalit lalo lang nag init si Diocleciano agad agad inutos niyang patayin na ang kristyanong centurion sa kanyang harapan. Dahil sa matinding pambubugbog at sa mga iba pang sugat na natamo, binawian ng tuluyan ng buhay si San Sebastian. Namatay na buo ang paniniwala sa tunay na Diyos. Sinasabing inilagak ang labi ng Santo sa Via Appia sa Roma. (Catacombe di San Sebastiano)

"Ang Pagka Martir ni San Sebastian" obra ni Paolo Varonese 1565
Nagbitiw naman sa katungkulan bilang Emperador si Diocleciano sa dahilang pangkalusugan. Umuwi ito sa kaniyang probinsya ng Dalmatia (parte ng Imperio ng Roma) at naging magsasaka ng repolyo. Subalit ayon sa ulat,  sa kanyang mga huling araw ito ay naging balisa at bugnutin. Hindi nagtagal, nagpatiwakal ang dating Emperador.  Subalit nagpapatuloy pa din ang pag uusig sa mga taga sunod ni Kristo noong mga panahong yaon.

Hindi pa man din natatapos ang paglilipol sa mga Kristiyano,  isang giyera civil (306-324 AD)  ang pumutok sa Imperio,  kung saan pinaglabanan ng tatlong Heneral ng hukbong Romano ang kapangyarihan. Isa dito ay si Constantino I (Constantine the Great).

Ang kilalang marmol bust ni Constatine the great

Noong Oktubre 312 A.D, sa bisperas ng isang importanteng labanan nakapanaginip si Constantino ng krus sa langit at may salitang "In Hoc Signus Vinces" sa tagalog ay ..."Sa simbolong ito ikaw ay magwawagi" agad pinalagay ng Constatino sa mga kalasag ng kanyang legion ang simbolo ng krus na napanaginipan.

Ang Krus ni Constantino. May letrang Chi Rho sa alpabetong Griyego na sumasagisag kay Kristo
Nagapi ni Constatino ang kanyang mga karibal at sa pamamagitan niya at kanyang pamumuno,  naging maayos ang pakikitungo ng Imperio sa mga Kristiyano. Natigil ang pag uusig at hindi na lupig ang kawan ni Kristo. Lumipas ang ilan panahon, naging opisyal na relihiyon ng Roma ang Kristiyanismo. Lumaganap din ang Ebanghelyo  sa apat sulok ng daigdig. Ito marahil ay dahil na din sa dugo at sakripisyo ng mga sinaunang Kristiyanong katulad ni San Sebastian.

Pinagdiriwang ang kabayanihan ni San Sebastian sa pananampalataya tuwing ika 20 ng Enero.

                                  VIVA SAN SEBASTIAN!



ILAN PANG MGA LARAWAN

                                        Catacombe di San Sebastiano (Via Appia)


Catacombe di San Sebastiano- Ang pinaniniwalaang pinaglagakan ng labi ni San Sebastian. sinasabi dito din unang nailagak ang labi ni San Pedro at San Pablo, apostoles ni Kristo

Ang Entiero ni San Sebastian sa  nasabing simbahan

Isang section ng Catacombe. Ito ay dating libingan ng mga pagano ng panahon na ang Roma ay isang imperio

Via Appia. Matandang kalsada sa Roma. Naging importante ang Via Appia noong panahon ng kalakasan at karangyaan ng Roma dahil dito dumadaan ang komunikasyon at komersyo ng imperio

May isang lugar sa Via Appia na kung tawagin ay "Domine, Quo Vadis?" (Panginoon saan po kayo patungo?). Ito ay nagmula sa kwento tungkol kay San Pedro, na noong inumpisahan ng arestuhin ang mga Kristyano sa Roma noong panahon ni Nero ang nasabing apostol ay nadoon din sa Roma at nagangaral. Agad agad nagsitakas ang mga Kristyano kasama si San Pedro, tumatakbo sa Via Appia palayo sa Roma, ng biglang masalubong ang figura ni Kristo pasalungat ang pupuntahan, patungo sa Roma. Agad nagtanong si San Pedro "Domine ...Quo Vadis?" Sumagot si Kristo.."Pupunta ako sa Roma, upang magpapakong muli". Agad natigilan si San Pedro....sinundan ang yapak ni Kristo. Bumalik siya sa Roma upang makasama ng mga Kristyanong nililipol ng imperio. Sa Roma hinuli si San Pedro at pinako sa krus ng patiwarik.